Bakit Tubang Bakod?
Nitong mga nakaraang buwan, naging paboritong paksa ang paghahanap ng pamalit sa gasolina at krudo na ginagamit sa sasakyan. Natukoy ang paggamit ng Methanol o alcohol mula sa Tubo, kamoteng kahoy at Sweet sorghum upang maging pamalit sa gasolina. Samantalang ang krudong galing sa langis ng niyog o cocodiesel naman ang pamalit o panghalo sa krudo. Sa kasalukuyan, may mga kompanya na gumagamit na ng isang porsyentong halo ng cocodiesel sa kanilang ibenibentang krudo.
Bagama’t maaring magamit ang cocodiesel bilang pamalit sa krudo, medyo may kamahalan ang presyo ng langis ng niyog upang maipantay sa presyo ng krudo. Gayundin, dahil sa maraming paggagamitan ang niyog, anumang dagdag na gamit nito ay magpapataas sa presyo ng langis sa pamilihan. Dahil dito, hindi magiging praktikal na gawing panghalili sa krudo ang cocodiesel subalit may potensyal na gawing panghalo hindi lamang sa krudo kundi maging sa Jatropha Methyl Ester– ang krudong galing sa Tubang bakod.
Ang buto ng Tubang bakod ay ginagamit ng ilang magsasaka bilang ilaw. Ang mga buto at tinutuhog sa patpat na kawayan at sinisindihan upang magsilbing ilaw. Napag-alaman na ang buto nito ay mayroong mahigit na 30 porsyentong langis na maaring iproseso upang maging biodiesel. Kaya nga’t ang dating Tubang Bakod ay maari ng maging Tubang Gatong na biodiesel pamalit o panghalo sa krudo.
Ano ang tubang bakod?
Ang Jatopha curcas ay kilala sa katagalogan bilang Tubang bakod sapagkat ito ay ginagamit na pangbakod sa mga sakahan at mga bakuran. Ito ay kilala rin bilang Tuba-tuba dahil na rin sa angking lason ng buto nito na dinudurog at ginagawang lason sa isda. Ang dahon at balat nito ay silbing gamot at ginagamit sa pagpapagaling ng pilay. Ang mga dagta nito diumano’y mayroong anti-biotic properties.

Ano-ano ang Uri ng Tubang Bakod?
Ang Tubang bakod ay kilala sa iba’t-ibang pangalan sa Pilipinas katulad ng mga sumusunod: Galumbang (Pamp.); kasla (Bis.); kirisol (Tag.); tuba-tuba (Tag, Bis); tagumbau (Ilk.); tagumbau-na-purau (Ilk.); takumbau (Sbl.); tangan-tangan-tuba (Tag.); taua-taua (Ilk., Ig.); tauua (Ilk.); tuba (Ig., Bik., Tag.); tubang-bakod (Tag.). A English ito ay kilala bilang physic nut tree, purging nut tree o big purge nut. Ang Tubang bakod ay matatagpuan sa halos lahat ng dako ng Pilipinas maliban na lamang sa matataas na lugar na mahigit sa 500 masl.
Ayon sa report, ang tubang bakod ay maaring nadala rito sa Pilipinas mula sa Mexico noong panahon ng pananakop ng mga kastila. Maraming uri ng jatropha curcas ang diumano ay matatagpuan sa South America at iba pang dako ng Africa subalit sa Pilipinas ay hindi pa natin tiyak ang magandang uri nito. Kaya kailangan natingmasuri ang mga koleksyong mayroon sa Pilipinas. Ang pag-aaaral na ito ay isasagawa ng National Plant Genetics Resources Laboratory (NPGRL) sa Institute of Plant breeding, Crop science Cluster (CSC), UP Los Banos. Ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng mga mananaliksik sa iba pang kolehiyo at unibersidad at iba pang organisasyon sa Pilipinas . Kailangan rin ang kooperasyon ng mga magsasaka at iba pang pribadong indibidual. Kung mayroong koleksyon na may potensyal sa dami, laki at iba pang kalidad ng maaning buto, maaring magpadala ng ilang sangang pananim at buto sa NPGRL upang ito ay masuri at mapag-aaralan ang kanyang mabuting mga katangian na maaring magamit sa pagpapaunlad ng lahi ng Tubang bakod.
Sa ngayon, alam natin na ang tubang bakod ay lumalaki ng halos limang metro ang taas. Hindi natin ito napapansin dito sa Pilipinas sapagkat madalas natin itong pinuputol dahil sa bilis ng paglago. Ang bawat kumpol ng bunga ay mayroong pito hanggang sampung bunga at ang bawat bunga naman ay pangkaraniwang may tatlong buto. Minsan lamang akong nakakita ng bungang may apat na buto. Sa aming pag-aaral, ang bunga ng mga tubang bakod na aming nasuri ay mayroong average na 2.67 buto dahil ang ilang bunga ay mayroong dalawang buto lamang. Isa sa maaring dahilan ay kakulangan ng fertilization ng bulaklak upang mabuo ang buto.
Ang laki at bigat ng buto ay isa sa mabuting katangian. Ang isang kilong buto kung bagong ani ay halos isang libong buto ngunit kung tuyo naman ay halos 1,200 buto. Wala pa rin tayong sapat na datos sa dami ng langis na nakukuha sa bawat uri ng tubang bakod. Tutuong marami pa tayong dapat pag-aralan sa tamang uri ng Tubang bakod ngunit maari nating itanim ang mga uring nasa sa ating paligid. Siguraduhin lamang na ang ating pananim ay nanggagaling sa namumungang halaman, may bunga ang bawat kumpol ng pito o higit pang bunga, medyo may kalakihan ang buto at pangkaraniwang may tatlong buto bawat bunga.
Pagtatanim ng Tubang bakod.

Papaano ang pagtatanim ng Tubang bakod?
Ang Tubang bakod ay pangkaraniwang itinatanim sa bakod sa mga bakuran at mga sakahan. Pangkaraniwang itinatanim ito upang mapagkunan ng dahon at balat na itinatapal sa pilay at bugbog. Kung ito ay lumalago na at sobra na ang mga sanga, ito ay pinuputol upang maging mababa at maginhawa ang pagkuha ng dahon. Kung pangbakod, pangkaraniwang ginagamit na pananim ang sanga na may habang halos isang metro.
Sa aming pag-aaral, napag-alaman na maaring gumamit ng sangang may habang isang talampakan o 30 sintemetro na may halos lima hanggang sampung buko. Maari itong derektang itanim sa bukid kung medyo maulan upang may sapat na kabasaan ang lupa sa panahon ng pagtubo. Gayundin, kailangan ding alisin ang damo sa paligid ng pananim.
Ang mga sanga ay maari ring itanim muna sa plastic bag na may sukat na 3X3X11 upang patubuin bago ilipat sa bukid. Sa pagpili ng sangang pananim, dapat medyo malakahoy na ang sanga at hindi lubhang mura. Ang sangang pananim ay hindi nagkakaroon ng tap root o mahaba at pailalim na ugat kaya maaring hindi gaanong matibay ang mga ugat. Maaaring itanim ang sanga ng padahilig upang magkaroon ng pseudo tap root. Kaya nga lamang ay kakaunti ang ugat nito. Kung patayo naman ang pagkakatanim, nagkakaroon ng ugat sa paligid ng puno at nagiging mas balanse ang tayo ng halaman.
Mas mainam na itanim ang buto, sapagkat dahil sa mayroon itong tap root kaya mas malalim ang ugat nito . Mas madaling tumubo ang mga butong bagong ani. Huwag patuyuin sa init ng araw ang buto. Ihalahayhay lamang ito sa kanlong na lugar at kinabukasan maari na itong derektang itanim sa bukid. Upang masiguradong tutubo ang buto, maaring ibabad sa tubig ng magdamag at kulubin ito. Ang mga butong tumubo lamang ang derektang itanim. Ang tumutubong buto ay mayroong limang bagong tubong ugat, isang tap root sa gitna at apat na secondary root sa paligid nito. Kaya magiging mas balanse ang ugat ng halaman sa kanyang paglaki. Ang derektang pagtatanim ng buto sa bukid ay maaring gawin kung mapapangalagaan ang halaman laban sa damo at may sapat na halumig ang lupa para sa pagtubo nito. Mas minam kung gagawin ang pagtatanim sa panahon ng tag-ulan.
Kung nais namang malaki na ang punla bago itanim, gumamit ng plastic bag (3X3X11) upang pag-punlaan ng pinatubong buto. Ang lupang pagtataniman ay maaring pinag-halong lupa at compost. Sa aking karanasan, ginagamit ko ang pinaghalong tatlong parte ng lupa at isang parte ng bulok na ipot ng manok. Kung mayroong inuling na ipa ng palay (carbonated rice hull), isang parte nito, dalawang parte ng lupa at isang parte ng ipot ng manok ay maaring gamitin.
Bago itanim ang pinatubong buto, maaring maglagay ng isang kutsarang Mykovam sa lupa kada plastic bag na pagtataniman. Ang Mykovam ay mayroong organismo na nagbibigay ng kakayahan sa ugat na makasipsip ng mas maraming sustansya mula sa lupa at nakapagpabilis sa paglaki ng halaman.
Ang punlang mula sa sanga o buto ay maaring itanim sa edad na dalawa hanggang tatlong buwan kung ito ay may 30-45 sentimetro na ang taas.
Kung ang itatanim ay purong Tubang bakod, maaring itanim ito sa agwat na dalawang metro (2mX2m) sa bawat halaman. Sa mga lupang pang-agrikultura lalo na iyong mga lupang dahilig, maari itong gamiting malabakod (hedge) at taniman ng ibang halaman ang mga pagitan nito. Itanim ng isang metro ang agwat ng bawat halaman na may dalawang hanay sa bawat malabakod. Ang bawat malabakod naman ay maaring may agwat na tatlo o pitong metro upang mataniman ng iba pang uri ng halaman. Sa unang taon, maaring magtanim ng palay dalatan (upland rice), mani at iba pang mababang halaman upang hindi makaapekto sa lumalaking tubang bakod. Sa ikalawang taon, maaari ng magtanim ng mas mataas na halaman. Sa Cavite at sa Davao, may nagsasalit-tanim ng saging kasama ng Tubang bakod. Ang kompanya ng Nestle ay nagsasabing maari rin itong itanim kasama ng kape.
Papaano ang pagpupungos (pruning)?
Upang magkaroon ng maraming sanga na mamumunga kailangan ang tamang pangangasiwa sa pagpupungos ng sanga. Mga tatlong buwan pagkatanim o kung ang halaman ay may 75 hanggang 100 sintemetro ang taas, maaring alisin ang talbos nito upang magkaroon ng sanga ang halaman. Pumili ng apat hanggang limang malulusog na sanga upang ito ay patuluying lumaki. Pagkatapos ng tatlong buwan mula sa pagpupungos ang mga sanga ay magsisimula ng mamulaklak kung ang pananim ay mula sa sanga o pagkatapos naman ng apat hanggang limang buwan kung ang pananim ay galing sa buto. Pagkatapos ng unang taon ng pag-aani, muling pungusin ang mga sanga at pumili ng tatlo o apat na malusog na sangang umusbong sa bawat pangunahing sanga. Kung ang ikalawang usbong na sanga ay may 30 sentimetro na ang haba muling pungusin ito at hayaang umusbong ang mga tatlong sanga. Kaya sa ikalawang taon ay mayroon ng 24-30 sanga na maaaring pabungahin. Sa ikatatlong taon, dapat na mayroong hindi kukulangin sa 40 sanga na mamumunga sa bawat puno.
Ano-ano ang mga peste at sakit ng tubang Bakod?
Bago pa lamang nagkakaroon ng interes sa pag-aaral sa Tubang bakod kaya medyo kulang pa rin ang ating kaalaman tungkol sa peste at sakit nito. Pangkaraniwang makikita ang mites na nagiging sanhi ng pangungulot ng dahon na may paltak-paltak na dilaw sa ibabaw nito. Kung susuriin ang ilalim ng dahon, mayroong maliliit na hayop dito. Makikita ang mites kahit sa mga punla at sa magugulang na halaman.
Mayroon ding uri ng thrips na nakaka-apekto sa Tubang bakod at ito ay makikita sa mga magugulang na dahon.
Iniulat din na ang mga sakit at peste ng kamoteng kahoy ay umaatake rin sa Tubang bakod.
Sa ngayon, hindi pa natin alam ang derektang pinsalang maaring magawa ng mga sakit at peste ng Tubang bakod. Kaya ang National Crop protection Center (NCPC) ng Crop Protection Cluster (CPC) ay magkakaroon ng pag-aaral upang alamin ang mga peste at sakit na ito. Gayundin, pag-aaralan ang tamang pangangasiwa ng peste at sakit ng hindi gagamit ng kemikal na paraan.
Papaano ang Pag-aabono?
Bagamat maaring tumubo ang Tubang bakod kahit sa hindi mayabong na lupa, kailangan pa rin ang tamang pangangasiwa ng lupa at taba nito. Nabanggit na ang pag-gamit ng Mykovam sa panahon ng paghahanda ng punla at ang mycorhizza na kasama nito ay madadala na rin sa bukid kung ilipat tanim na ito. Ang Mycorhizza ay dumadami sa ugat ng halaman at ito ang tumutulong upang makasipsip ng sustansya ang halaman mula sa lupa. Bagamat maaring maglagay ng Kimekal na abono, mas mabuting gumamit ng organikong pataba. Maaring maglagay ng kalahating kilong organikong pataba bilang basal o pa-upo sa bawat tanim.
Kailan ito namumulaklak at namumunga?
Ang Tubang bakod sa Pilipinas ay namumulaklak at namumunga sa buong taon, bagamat mayroong buwan ng mas maraming bunga. Maraming insekto na tumutulong upang magkaroon ng epektibong pollination ang mga bulaklak. Mas maganda kung maisasama ang pag-aalaga ng pukyutan sa pataniman upang may dagdag na pakinabang. Halos dalawang buwan mula sa pag-usbong ng bulaklak, ang bunga ay mahihinog na.
Papaano ang pag-aani ng bunga?
Ang bunga ay inaani kung ito ay madilaw na ang balat. Sapagkat hindi ito sabay-sabay na nahihinog sa bawat kumpol, pinipili ang mga hinog na bunga sa pag-aani.
Sa aming panimulang pag-aaral, may dalawang panahon ng pamumunga- sa patag-araw at panahon ng tag-ulan. Sa bawat panahon ang isang sanga ay maaring magbunga ng apat hanggang limang kumpol na mayroong pito o higit pang bunga sa bawat kumpol. Kung ganito kahusay ang uri ng Tubang bakod na inyong mapipili, ang isang sanga ay maaaring mag ani ng 100 gramong buto kada taon. Kaya kung mayroong 30 sanga na mamumunga ng katulad nito, makakuha ng halos 7.5 toneladang buto sa isang ektarya na may 2,500 puno.
sa aming panimulang pagtataya, sa unang taon ay maaring mag-ani ng 600 kg kada ektarya at hanggang 2,000 kg naman sa ikalawang taon. Sa ikatatlong taon, maari ng maka-ani ng halos limang toneladang buto. Sa magandang lupa, maaring mag-ani ng mas higit pa sa 7.5 tonelada kada ektarya bawat taon.
Magkano ang gastos at kita?
Bagamat wala pang sapat na datos upang mataya ang gastos at kita sa pagtatanim ng Tubang bakod, ang aming panimulang pagtataya ay nangangailangn ng halos 40,000 piso para sa pagtatanim sa isang ektaryang taniman at 10,000 piso para sa mga susunod na taon para sa pag-aalis ng damo at iba pang pangangasiwa.
Sa limang piso kada kilo ng buto at kung Tubang bakod lamang ang itatanim, mababawi lamang ang kagastusan pagkatapos ng apat na taon. Subalit kung ito ay itatanim na kasama ng ibang agrikulturang halaman o sa sistemang agroforestry, ang mga kagastusan ay agarang mababawi kahit sa una pa lamang na taon.